Tinangay ako ni Aya kaninang hapon sa Cine Adarna. Nuod daw kami nung short films nung Cinemalaya. Magsisimula siya dapat ng 5. Natanggap ko yung text ni Aya ng mga 4:45. Eh sobrang nakasettle-down na ako nun at naka-bahay mode na. XD Wahahaha. So, rush, rush, rush!
I hurried to Cine Adarna, kasi baka maka-miss ako ng isang short film (eh kasi short eh). Pagkadating ko, naabutan ko na lang yung kalahati nung una.
Pero ok lang yun, napanood pa rin namin yung lahat.
Ito na naman yung favorite word ko… WOW.
I loved the 4 short films, kahit nalabuan ako sa una (kasi nalate nga ako eh, haha).
Ankukulet, ang dadrama, at ang gaganda.
—
Highlights of the night (na baka kami lang ni Aya ang makaintindi, haha):
Moral lesson ng first film: ‘Wag magpapaturo magyosi. Baka kung anong kababalaghan ang magawa niyo ng nagturo sa’yo.
Girl: MAHAL KO NA SIYA!
Girl ulit: Teka lang, yung panty ko!!!
Isa pang moral lesson: Kapag lalaki ka, ‘wag magshe-share ng isang roll ng damo sa isa pang lalaki. Kung anu-anong kababalaghan ang mangyayari.
Kawawa si lola.
Si Lucing ay isang OC na demonyo.
Mamaya sasakalin na ni lola si Lucing.
Pero si Lucing pala yung sumakal kay lola.
Maganda yung upuan ni lola, kasi may ganun sina Aya. (wow nagrhyme!)
Kahit hindi mo kilala yung taong walang kasama, pabayaan mo na lang siya na kumapit sa’yo kapag natatakot siya sa eksena.
Bawal umihi dito. Pero sige lang boys, ihi lang.
After 10 years: “Kayo na naman?!” (habang umiihi si Pilo at Justin sa isang bawal umihi dito area)
‘Yung notebook na binibilang kung ilang beses na-late si Aya, este, si Justin.
Ang simbahan ng Iglesia ni Kristo ay mukha raw spaceship.
Weirdo yung nanay ni Justin.
Pilo: “Pabilhan po ng Zesto.” (pagkatapos mandekwat ng kendi).
After 10 years: “Pilo, gusto mo ng Zesto?”
Si Tito Tom Cruise “look-a-like” ay baliw na pala.
Si Soriano! Basta yung kapatid ni Maricel.
Pretty yung babaeng naghahagis ng bato.
Malungkot yung last film.
Hindi pa rin marunong mag-malutong na “RRRR” si Aya.
Hindi marunong mag-frown si Aya.
Ayaw mamiss ni Aya yung klase ni Yap.
Weird daw ako kasi bobo ako sa directions.
Nandun pala si Karl Roy kagabi. Saling pusa!
—
Ayuuuh, ewan ko kung mababasa mo to anytime soon, pero salamat, salamat, salamat ulit sa pag-imbita! XD Had a great time.
Here’s to Cinemalaya shorts!